PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Mga Magulang, Tulungang Magtagumpay ang Inyong mga Anak
Gusto ng mga magulang na may takot sa Diyos na maging tapat na mga lingkod ni Jehova ang kanilang mga anak. Magagawa nila ito kung ikikintal nila sa puso ng kanilang mga anak ang mga turo ng Bibliya mula sa pagkasanggol. (Deu 6:7; Kaw 22:6) Kailangan ba rito ang pagsasakripisyo? Oo naman! Pero sulit ang kanilang pagsisikap.—3Ju 4.
Maraming matututuhan ang mga magulang kina Jose at Maria. “Nakaugalian [nilang] pumaroon taun-taon sa Jerusalem para sa kapistahan ng paskuwa,” kahit mahirap ito at magastos. (Luc 2:41) Maliwanag na priyoridad nila ang espirituwal na pangangailangan ng kanilang pamilya. Mapapatnubayan din ng mga magulang ngayon ang kanilang mga anak kung sa bawat pagkakataon ay tuturuan nila ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang salita at halimbawa.—Aw 127:3-5.
PANOORIN ANG VIDEO NA SINAMANTALA NILA ANG BAWAT PAGKAKATAON. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Paano inuna nina Jon at Sharon Schiller ang Kaharian habang nagpapalaki ng mga anak?
-
Bakit dapat ibagay ng mga magulang ang disiplina sa pangangailangan ng bawat anak?
-
Paano maihahanda ng mga magulang ang kanilang mga anak na harapin ang mga pagsubok sa kanilang pananampalataya?
-
Anong mga pantulong mula sa organisasyon ni Jehova ang nagamit mo na para tulungan ang iyong mga anak na sumulong sa espirituwal?