Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Social Networking—Iwasan ang mga Panganib

Social Networking—Iwasan ang mga Panganib

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Gaya ng ibang bagay, ang mga social network ay puwedeng maging kapaki-pakinabang o mapanganib. May mga Kristiyanong nagpasiyang huwag gumamit ng social network. Ginagamit naman ito ng ibang Kristiyano para makipag-ugnayan sa mga kapamilya at kaibigan. Pero gusto ng Diyablo na gamitin natin ang mga social network sa di-matalinong paraan, na makasisira sa ating reputasyon at espirituwalidad. Tulad ni Jesus, magagamit natin ang mga simulain sa Salita ng Diyos para matukoy ang mga panganib at maiwasan ang mga ito.—Luc 4:4, 8, 12.

MGA PANGANIB NA DAPAT IWASAN:

  • Pagbababad sa social media. Kung uubusin natin ang oras natin sa mga social network o social media, mawawalan tayo ng panahon para sa espirituwal na mga gawain

    Mga simulain sa Bibliya: Efe 5:15, 16; Fil 1:10

  • Panonood ng kuwestiyunableng materyal. Ang pagtingin sa malalaswang larawan ay puwedeng mauwi sa adiksiyon sa pornograpya o sa imoralidad. Ang pagbabasa ng materyal o mga blog ng mga apostata ay makasisira sa pananampalataya ng isa

    Mga simulain sa Bibliya: Mat 5:28; Fil 4:8

  • Pagpo-post ng di-angkop na mga comment o picture. Dahil mapandaya ang puso, baka matukso ang isa na mag-post ng di-angkop na mga comment o picture sa isang social network. Pero makasisira ito sa reputasyon ng isa o maaaring ikatisod ng iba sa espirituwal

    Mga simulain sa Bibliya: Ro 14:13; Efe 4:29

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGING MATALINO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORK. PAGKATAPOS, REPASUHIN KUNG PAANO MAIIWASAN ANG MGA SITWASYONG ITO: