PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Maingat na Sundan ang mga Yapak ni Kristo
Ipinakita ni Jesus ang halimbawang dapat nating tularan, lalo na sa harap ng pagsubok o pag-uusig. (1Pe 2:21-23) Ininsulto si Jesus, pero hindi siya kailanman gumanti, kahit noong nagdurusa siya. (Mar 15:29-32) Ano ang nakatulong sa kaniya na makapagbata? Determinado siyang gawin ang kalooban ni Jehova. (Ju 6:38) Nagpokus din siya sa “kagalakang inilagay sa harap niya.”—Heb 12:2.
Paano kung pinagmamalupitan tayo dahil sa ating pananampalataya? Ang mga tunay na Kristiyano ay hindi gumaganti ng “masama para sa masama.” (Ro 12:14, 17) Kung tutularan natin si Kristo kapag nagbabata ng pagdurusa, magiging maligaya tayo dahil nasa atin ang pagsang-ayon ng Diyos.—Mat 5:10-12; 1Pe 4:12-14.
PANOORIN ANG VIDEO NA PANGALAN NI JEHOVA ANG PINAKAMAHALAGA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Paano ginamit ni Sister Pötzinger * nang may katalinuhan ang panahon niya noong makulong siya nang nag-iisa?
-
Anong mga pagdurusa ang naranasan nina Brother at Sister Pötzinger sa iba’t ibang kampong piitan?
-
Ano ang nakatulong sa kanila na magbata?
^ par. 6 Ginagamit din ang spelling na Poetzinger.