PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Gawing Mas Makabuluhan ang Iyong Personal na Pag-aaral
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Sa tulong ng personal na pag-aaral ng Salita ng Diyos, ‘lubusan nating maiintindihan ang lapad at haba at taas at lalim’ ng katotohanan. (Efe 3:18) Tinutulungan din tayo nito na manatiling walang kapintasan at walang dungis sa gitna ng masamang sanlibutan at ‘mahigpit na manghawakan sa salita ng buhay.’ (Fil 2:15, 16) Sa ating personal na pag-aaral ng Salita ng Diyos, makakapili tayo ng materyal na kailangan natin bilang indibidwal. Paano natin masusulit ang panahong ginagamit natin sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya?
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
-
I-highlight ang mga teksto at gumawa ng nota sa iyong sariling Bibliya, nakaimprenta man o electronic format
-
Habang nagbabasa ng Salita ng Diyos, tanungin ang sarili: ‘Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?’
-
Magsaliksik. Gamit ang mga available na pantulong sa pagsasaliksik, maghanap sa pamamagitan ng paksa o teksto sa Bibliya
-
Bulay-bulayin ang binabasa mo para malaman kung paano mo ito masusunod
-
Gamitin ang natututuhan mo sa iyong pang-araw-araw na buhay.—Luc 6:47, 48
PANOORIN ANG VIDEO NA MANATILING “MAHIGPIT NA NAKAKAPIT”—EPEKTIBONG PERSONAL NA PAG-AARAL. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Paano inilarawan ng iba ang personal na pag-aaral?
-
Bakit dapat tayong manalangin bago mag-aral?
-
Paano natin mas mauunawaan ang isang teksto sa Bibliya?
-
Anong klase ng mga marka ang puwede nating ilagay sa ating sariling Bibliya?
-
Bakit napakahalaga ng pagbubulay-bulay kapag nag-aaral ng Salita ng Diyos?
-
Ano ang dapat nating gawin sa natututuhan natin?