PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ano Kaya ang Iisipin ni Jehova?
Bago gumawa ng maliliit o malalaking desisyon, naitatanong ba natin, ‘Ano kaya ang iisipin ni Jehova?’ Hindi man natin alam ang lahat ng kaisipan ni Jehova, ang mababasa natin sa kaniyang Salita ay sapat na para ihanda tayo “sa bawat mabuting gawa.” (2Ti 3:16, 17; Ro 11:33, 34) Alam na alam ni Jesus ang kalooban ni Jehova at ginawa niya itong priyoridad. (Ju 4:34) Bilang pagtulad kay Jesus, sinisikap nating gumawa ng mga desisyong nakalulugod kay Jehova.—Ju 8:28, 29; Efe 5:15-17.
PANOORIN ANG VIDEO NA PATULOY NA ALAMIN KUNG ANO ANG KALOOBAN NI JEHOVA (LEV 19:18). PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Bakit kailangan nating sundin sa ating buhay ang mga prinsipyo sa Bibliya?
-
Anong mga prinsipyo sa Bibliya ang dapat sundin kapag pumipili ng musikang pinakikinggan?
-
Anong mga prinsipyo sa Bibliya ang dapat sundin sa ating pananamit at pag-aayos?
-
Sa ano pang bahagi ng ating buhay kailangan nating sundin ang mga prinsipyo sa Bibliya?
-
Paano natin mapapatalas ang ating kakayahang alamin ang kalooban ni Jehova?