“Isang Makasagisag na Drama” at ang Kahulugan Nito Para sa Atin
Ginamit ni apostol Pablo ang ‘makasagisag na dramang’ ito para ipakita ang kahigitan ng bagong tipan sa tipang Kautusan. Sa ilalim ng maibiging pangangasiwa ni Kristo at ng kaniyang kasamang mga tagapagmana, nagkaroon ang lahat ng tao ng pag-asang mapalaya mula sa kasalanan, di-kasakdalan, pamimighati, at kamatayan.—Isa 25:8, 9.
SI HAGAR—ANG ALIPING BABAE Ang literal na Israel na nasa ilalim ng tipang Kautusan, at Jerusalem ang kabisera nito |
SI SARA—ANG MALAYANG BABAE Ang Jerusalem sa itaas, ang makalangit na bahagi ng organisasyon ng Diyos |
“MGA ANAK” NI HAGAR Ang mga Judio (na nangakong susunod sa tipang Kautusan) na nang-usig at nagtakwil kay Jesus |
“MGA ANAK” NI SARA Si Kristo at ang 144,000 pinahiran-ng-espiritung mga Kristiyano |
PAGKAALIPIN SA TIPANG KAUTUSAN Ipinaalaala ng Kautusan na ang likas na mga Israelita ay alipin ng kasalanan |
NAGBIBIGAY NG KALAYAAN ANG BAGONG TIPAN Ang pananampalataya sa halaga ng hain ni Kristo ay magpapalaya mula sa hatol ng Kautusan |