Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Ano ang Matututuhan Mo sa Makaranasang mga Kristiyano?

Ano ang Matututuhan Mo sa Makaranasang mga Kristiyano?

Maraming kapatid sa kongregasyon ang matagal nang naglilingkod kay Jehova. May matututuhan tayo sa pagtitiwala nila kay Jehova. Puwede natin silang tanungin tungkol sa kasaysayan ng organisasyon ni Jehova at kung paano sila tinulungan ni Jehova na maharap ang mga problema. Puwede rin natin silang imbitahan sa ating Pampamilyang Pagsamba.

Kung isa ka sa makaranasang mga Kristiyano, ikuwento sa mga kabataan kung paano ka tinulungan ni Jehova. Ikinuwento nina Jacob at Jose ang mga karanasan nila sa mga anak nila. (Gen 48:21, 22; 50:24, 25) Sinabi ni Jehova na dapat ituro ng mga ulo ng pamilya sa mga anak nila ang kamangha-mangha niyang mga gawa. (Deu 4:9, 10; Aw 78:4-7) Sa ngayon, puwede ring magkuwento sa mga kabataan ang mga magulang at ang iba pa sa kongregasyon. Puwede nilang sabihin ang magagandang nagawa ni Jehova sa pamamagitan ng organisasyon niya.

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGKAISA SA ILALIM NG PAGBABAWAL. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano tinulungan ng sangay sa Austria ang mga kapatid na nasa mga bansang bawal ang gawain natin?

  • Paano napanatiling matibay ng mga kapatid na ito ang pananampalataya nila?

  • Bakit maraming mamamahayag sa Romania ang humiwalay sa organisasyon ni Jehova, at paano sila nakabalik?

  • Paano napapatibay ng mga karanasang ito ang pananampalataya mo?

Matuto sa karanasan ng matatagal nang lingkod ni Jehova!