Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kung Paano Gagamitin ang Sampol na Pakikipag-usap

Kung Paano Gagamitin ang Sampol na Pakikipag-usap

Mula pa noong Enero 2018, mayroon na tayong mga sampol na pakikipag-usap sa unang pahina ng Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong. Paano natin ito gagamitin?

Kapag May Bahagi Ka: Dapat mong gamitin ang tanong, teksto, at iiwang tanong na nasa sampol na pakikipag-usap. Pero hindi ibig sabihin nito na dapat mong gayahin ang eksaktong mga pananalita sa video ng sampol na pakikipag-usap. Puwede kang gumamit ng ibang tagpo, introduksiyon, pangangatuwiran, at iba pa. Puwede ka ring mag-alok ng publikasyon mula sa Toolbox sa Pagtuturo kahit wala iyon sa instruksiyon ng bahagi mo.

Kapag Nasa Ministeryo: Ang mga sampol na pakikipag-usap ay ginawa para magkaroon ka ng magagandang ideya. Kung interesado ang kausap mo at gusto pa niyang matuto, puwede mong ituloy ang pag-uusap ninyo; puwede mo nang gamitin ang sampol para sa pagdalaw-muli. Puwede mo ring i-adjust ang sampol na pakikipag-usap o puwede ka ring gumamit ng ibang presentasyon. Baka mas epektibong gamitin ang paksa noong nakaraang buwan o baka may tekstong mas magugustuhan ng mga tao sa teritoryo ninyo. Ang mga tao ba sa lugar ninyo ay interesado sa mga kasalukuyang pangyayari o sa isang espesipikong balita? Puwede mong gamitin sa iba’t ibang paraan ang mga sampol na pakikipag-usap. Pero ang tunguhin mo ay gawin “ang lahat alang-alang sa mabuting balita para maibahagi [mo] ito sa iba.”​—1Co 9:22, 23.