Sampol na Presentasyon
ANG BANTAYAN
Tanong: Pamilyar ka ba sa kilalang pananalitang ito?
Teksto: Ju 3:16
Alok: Ipinaliliwanag ng isyung ito ng Bantayan kung paano ka makikinabang sa pagdurusa at kamatayan ni Jesus.
ANG BANTAYAN (likod ng magasin)
Tanong: Pansinin ang tanong na ito at ang karaniwang mga sagot. [Basahin ang unang tanong pati na ang ilang mapagpipilian.] Ano ang masasabi mo?
Teksto: Mat 4:1-4
Alok: Nakipag-usap at tinukso ng Diyablo si Jesus, kaya tiyak na ang Diyablo ay hindi lang basta simbolo ng kasamaan. Ano pa ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Diyablo? May higit pang paliwanag sa artikulong ito.
IMBITASYON SA MEMORYAL
Alok: Namamahagi kami ng imbitasyon para sa isang napakahalagang okasyon. [Bigyan ng isang imbitasyon ang may-bahay.] Sa Marso 23, milyon-milyon sa buong mundo ang magtitipon para alalahanin ang kamatayan ni Jesu-Kristo at makapakinig ng isang libreng pahayag na salig sa Bibliya tungkol sa kung paano tayo makikinabang sa kamatayan niya. Nasa imbitasyon ang oras at lugar ng pagtitipon. Sana makapunta ka.
GUMAWA NG SARILING PRESENTASYON
Gamitin ang format ng naunang mga halimbawa para gumawa ng sariling presentasyon sa paglilingkod sa larangan.