PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Kung Paano Gagamitin ang Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?
Ang brosyur na Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon? ay dinisenyo para talakayin bago o pagkatapos ng bawat pag-aaral. * Sa aralin 1 hanggang 4, magiging pamilyar ang iyong estudyante sa bayan ni Jehova. Sa aralin 5 hanggang 14, malalaman niya ang ating mga gawain. Sa 15 hanggang 28 naman, makikita niya kung paano kumikilos ang ating organisasyon. Makabubuting pag-aralan ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga aralin maliban na lang kung kailangang pag-usapan ang isang partikular na paksa. Ang bawat aralin ay isang pahina lang kaya karaniwan nang matatalakay ito sa iyong estudyante sa loob ng 5 hanggang 10 minuto.
-
Itampok ang tanong na siyang pamagat ng aralin
-
Magkasamang basahin nang buo ang aralin o ang bawat seksiyon
-
Talakayin ang binasang materyal. Gamitin ang mga tanong na nasa bandang ibaba ng pahina at ang mga larawan. Kung angkop, basahin at talakayin ang mga siniping teksto. Idiin na sinasagot ng mga naka-bold na subtitulo ang tanong na siyang pamagat
-
Kung may kahong “Ang Puwede Mong Gawin,” basahin ito nang magkasama at pasiglahin ang iyong estudyante na sundin ito
^ par. 3 Makikita sa website ang pinakabagong bersiyon ng brosyur.