Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | MATEO 25

“Patuloy Kayong Magbantay”

“Patuloy Kayong Magbantay”

25:1-12

Ang talinghaga ni Jesus tungkol sa 10 dalaga ay para sa mga pinahirang tagasunod niya, pero ang mensahe nito ay para sa lahat ng Kristiyano. (w15 3/15 12-16) “Patuloy kayong magbantay, kung gayon, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.” (Mat 25:13) Maipaliliwanag mo ba ang talinghaga ni Jesus?

  • Kasintahang Lalaki (tal. 1)—Si Jesus

  • Maiingat at handang mga dalaga (tal. 2)—Mga pinahirang Kristiyano na handang gawin nang tapat ang kanilang atas. Sumisikat sila bilang tagapagbigay-liwanag hanggang sa wakas (Fil 2:15)

  • Ang sigaw: “Narito na ang kasintahang lalaki!” (tal. 6)—Ebidensiya ng pagkanaririto ni Jesus

  • Mangmang na mga dalaga (tal. 8)—Mga pinahirang Kristiyano na lumabas para salubungin ang Kasintahang Lalaki pero hindi nanatiling mapagbantay at tapat

  • Ang maiingat na dalagang tumangging magbigay ng langis (tal. 9)—Pagkatapos ng pangwakas na pagtatatak, huli na para tulungan ng tapat na mga pinahiran ang sinumang naging di-tapat

  • “Ang kasintahang lalaki ay dumating” (tal. 10)—Darating si Jesus sa bandang dulo ng malaking kapighatian para maglapat ng hatol

  • Ang maiingat na dalaga ay pumasok sa piging ng kasalan kasama ng kasintahang lalaki, at isinara ang pinto (tal. 10)—Titipunin ni Jesus sa langit ang kaniyang tapat na mga pinahiran, pero maiwawala ng mga di-tapat ang kanilang makalangit na gantimpala