“Ang Sinumang Nagnanais na Maging Dakila sa Inyo ay Dapat na Maging Lingkod Ninyo”
Gusto ng mapagmapuring mga eskriba at Pariseo na pahangain ang iba at maging prominente. (Mat 23:5-7) Pero hindi ganiyan si Jesus. “Ang Anak ng tao ay dumating, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod.” (Mat 20:28) Mas nagpopokus ba tayo sa mga bahagi ng pagsamba na magdudulot sa atin ng karangalan at papuri? Ang tulad-Kristong kadakilaan ay nagmumula sa paglilingkod alang-alang sa kapakanan ng iba. Ang ganitong gawain ay kadalasan nang hindi napapansin ng iba—pero kitang-kita ito ni Jehova. (Mat 6:1-4) Ang mapagpakumbabang lingkod ay . . .
-
nakikibahagi sa paglilinis at pagmamantini ng Kingdom Hall
-
nangunguna sa pagtulong sa may-edad at sa iba
-
nagbibigay ng donasyon para suportahan ang kapakanan ng Kaharian