Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Maging Mahusay sa Letter Writing

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Maging Mahusay sa Letter Writing

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Ang aklat ng 1 Corinto ay isa sa 14 na liham na isinulat ni apostol Pablo para patibayin ang mga kapuwa Kristiyano. Kapag gumagawa ng liham, mapag-iisipan mong mabuti ang sasabihin mo, at puwede itong paulit-ulit na basahin ng tatanggap. Magandang paraan ang letter writing para makapagpatotoo sa mga kamag-anak at kakilala. Epektibo rin ito sa pagpapatotoo sa mga taong hindi natin makausap nang personal. Halimbawa, baka may nagpakita ng interes pero hindi madatnan sa bahay. Baka may ilan sa teritoryo natin na mahirap puntahan, katulad ng mga nakatira sa apartment na mahigpit ang seguridad, mga subdivision, at liblib na lugar. Ano ang mga dapat nating tandaan, lalo na kapag sumusulat tayo sa mga hindi natin kakilala?

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Isulat ang sasabihin mo na parang kaharap mo ang tao. Sa umpisa, magpakilala ka at sabihin mo nang malinaw kung bakit ka sumulat. Puwede kang magbigay ng tanong na mapag-iisipan niya, at sabihin mo ang tungkol sa website natin. Pagkatapos, banggitin ang Online Bible Study Lessons, ipaliwanag sa maikli ang ginagawa nating Bible study, o banggitin ang pamagat ng ilang kabanata mula sa isang publikasyong ginagamit natin sa pag-aaral. Puwede kang maglagay ng literatura, gaya ng contact card, imbitasyon, o tract

  • Gawing maikli ang iyong liham. Huwag itong habaan para hindi mapagod ang magbabasa.—Tingnan ang sampol na liham sa pahina 8

  • Basahin at tiyakin na wala itong mali. Tiyakin din na ito ay maayos, madaling basahin, palakaibigan, magalang, at positibo