Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Sampol na Liham

Sampol na Liham
  • Gamitin ang sarili mong adres. Kung hindi ito praktikal, puwede mong ilagay ang adres ng Kingdom Hall kung papayag ang mga elder ninyo. Pero HUWAG mong gagamitin ang adres ng tanggapang pansangay.

  • Kung alam mo ang pangalan ng susulatan mo, gamitin iyon. Makakatulong ito para hindi niya isiping mayroon kang ibinebenta.

  • Tiyaking tama ang iyong ispeling, balarila, at bantas. Dapat na malinis at maayos ang liham. Kung ito ay sulat-kamay, dapat na madali itong basahin. Tiyakin na ang pananalita mo ay hindi masyadong pamilyar at hindi rin masyadong pormal.

Makikita mo ang mga puntong ito sa sampol na liham. Hindi mo ito kailangang kopyahin nang eksakto tuwing may susulatan ka sa teritoryo ninyo. Ibagay mo ang iyong liham sa layunin mo at sa kalagayan at kaugalian ng mga tao sa inyong teritoryo.