Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Gumamit ng mga Video sa Pagtuturo sa Bible Study

Gumamit ng mga Video sa Pagtuturo sa Bible Study

Nakukuha ng visual aid ang atensiyon ng tinuturuan at nakakatulong ito para mas maintindihan at maalala niya ang natutuhan niya. Si Jehova, ang ating Dakilang Tagapagturo, ay gumamit ng mga visual aid sa pagtuturo ng mahahalagang aral. (Gen 15:5; Jer 18:1-6) Gumamit din nito si Jesus, ang Dakilang Guro. (Mat 18:2-6; 22:19-21) Isang uri ng visual aid na napakaepektibo at ilang taon na nating ginagamit ay ang video. Ginagamit mo ba ang mga video natin sa pagtuturo sa mga Bible study mo?

Mayroon tayong 10 video na magagamit sa pagtuturo ng mga aralin sa brosyur na Magandang Balita Mula sa Diyos! Karaniwan na, ang pamagat ng video ay kapareho ng isa sa mga tanong na makakapal ang letra. Ang digital version ng brosyur ay may mga link na nagpapakita kung kailan natin ipapapanood ang bawat video. Mayroon ding mga video na pantulong sa pagtuturo ng iba’t ibang publikasyong nasa Toolbox sa Pagtuturo.

May pinag-aaralan ba kayong paksa sa Bibliya na di-gaanong naiintindihan ng Bible study mo? O may pinagdadaanan ba siyang problema? Maghanap ng video sa jw.org® at JW Broadcasting® na puwedeng makatulong sa kaniya. Baka puwede ninyo itong panoorin nang magkasama at saka pag-usapan ito.

Buwan-buwan, may inilalabas na mga bagong video. Habang pinanonood mo ang mga ito, pag-isipan kung paano mo magagamit ang mga ito sa pagtuturo.