Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ROMA 12-14

Kung Paano Magpapakita ng Kristiyanong Pag-ibig

Kung Paano Magpapakita ng Kristiyanong Pag-ibig

12:10, 17-21

Kapag may nakasakit sa atin, hindi tayo gumaganti; ginagawan pa nga natin siya ng mabuti. Iyan ang Kristiyanong pag-ibig. “Kung ang iyong kaaway ay nagugutom, pakainin mo siya; kung siya ay nauuhaw, bigyan mo siya ng maiinom; sapagkat sa paggawa nito ay magbubunton ka ng maaapoy na baga sa kaniyang ulo.” (Ro 12:20) Kapag nagpakita tayo ng kabaitan sa taong gumawa sa atin ng masama, baka pagsisihan pa nga niya ang ginawa niya.

Ano ang naramdaman mo nang pagpakitaan ka ng mabuti ng taong nasaktan mo nang di-sinasadya?