Sampol na Pakikipag-usap
●○○ UNANG PAG-UUSAP
Tanong: Ano ang layunin ng Diyos para sa mga tao?
Teksto: Gen 1:28
Iiwang Tanong: Paano natin nalalaman na tutuparin ng Diyos ang layunin niya para sa mga tao?
○●○ UNANG PAGDALAW-MULI
Tanong: Paano natin nalalaman na tutuparin ng Diyos ang layunin niya para sa mga tao?
Teksto: Isa 55:11
Iiwang Tanong: Ano ang magiging buhay natin kapag tinupad na ng Diyos ang layunin niya?
○○● IKALAWANG PAGDALAW-MULI
Tanong: Ano ang magiging buhay natin kapag tinupad na ng Diyos ang layunin niya?
Teksto: Aw 37:10, 11
Iiwang Tanong: Ano ang dapat nating gawin para makinabang tayo sa mga pangako ng Diyos?
KAMPANYA NG PAG-IIMBITA SA MEMORYAL (Marso 23–Abril 19):
Iniimbitahan ka namin sa isang napakahalagang okasyon. Para sa iyo ang imbitasyong ito. Sa Biyernes, Abril 19, milyon-milyon sa buong mundo ang magtitipon para alalahanin ang kamatayan ni Jesu-Kristo. Nasa imbitasyon ang oras at lugar ng pagtitipon. Isang linggo bago iyan, iniimbitahan ka rin namin sa isang pahayag na may paksang “Abutin ang Tunay na Buhay!”
Iiwang Tanong Kapag Nagpakita ng Interes: Bakit namatay si Jesus?