Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 29-30

Nag-asawa si Jacob

Nag-asawa si Jacob

29:18-28

Walang kaalam-alam si Jacob sa haharapin niyang mga problema dahil sa kaniyang pag-aasawa. Naging magkaaway sina Raquel at Lea. (Gen 29:32; 30:1, 8) Pero sa kabila ng mga problema, nakita ni Jacob na tinutulungan siya ni Jehova. (Gen 30:29, 30, 43) Bandang huli, ang kaniyang mga inapo ay naging isang bansa, ang Israel.​—Ru 4:11.

Sa ngayon, mapapaharap din sa mga problema ang mga may-asawa. (1Co 7:28) Pero magiging matagumpay at masaya ang pag-aasawa kung magtitiwala sila kay Jehova at isasabuhay ang mga prinsipyo sa Bibliya.​—Kaw 3:5, 6; Efe 5:33.