PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapatotoo sa mga Bulag
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Karamihan sa mga bulag ay hindi komportableng makipag-usap sa mga hindi nila kakilala. Kaya kailangan ng kasanayan para mapangaralan ang mga bulag. Nagmamalasakit si Jehova sa mga bulag. (Lev 19:14) Matutularan natin siya kapag gumawa tayo ng paraan para matulungan sa espirituwal ang mga bulag.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
-
“Hanapin” ang mga bulag. (Mat 10:11) May kakilala ka bang may kapamilyang bulag? Mayroon bang paaralan, nursing home o mga pasilidad na para sa mga bulag sa inyong teritoryo na gustong tumanggap ng mga publikasyon?
-
Magpakita ng personal na interes. Makakatulong ang pagiging palakaibigan at ang tunay na interes para mapalagay ang loob sa iyo ng mga bulag. Gamitin ang karaniwang paksa na gusto ng mga tao sa inyong lugar para pasimulan ang pag-uusap
-
Tulungan sila sa espirituwal. Para matulungan ang mga may diperensiya sa paningin, gumawa ang organisasyon ng mga literatura sa iba’t ibang format. Tanungin sila kung ano ang gusto nilang gamitin para matuto. Titiyakin ng tagapangasiwa sa paglilingkod na makakapag-request ang lingkod sa literatura ng publikasyong gusto ng isang taong bulag.