Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Sino ang mga Iimbitahan Ko?

Sino ang mga Iimbitahan Ko?

Bawat taon, nagsisikap tayo nang husto para imbitahan ang mga tao sa ating teritoryo para sa pagdiriwang ng Memoryal. Karamihan sa kanila ay hindi natin kakilala. Pero iimbitahan din natin ang mga kakilala natin. Ang mga taong nakatanggap ng imbitasyon mula sa mga kakilala nila ay mas malamang na dumalo. (yb08 11-12 ¶3; 14 ¶1) Sino-sino ang puwede mong imbitahan?

  • Kamag-anak

  • Katrabaho o kaeskuwela

  • Kapitbahay

  • Return visit at dati at bagong mga Bible study

Bukod dito, maaaring imbitahan ng mga elder ang mga di-aktibo. Paano kung sa ibang lugar nakatira ang inimbitahan mo? Puwede mong malaman ang oras at ang pinakamalapit na lugar na pagdarausan ng Memoryal sa jw.org. Pumunta sa tab na TUNGKOL SA AMIN at i-click ang “Memoryal.” Habang naghahanda ka sa pagdiriwang na ito, pag-isipan din kung sino ang puwede mong imbitahan.