Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Maging Matalino sa Pagpili ng mga Kaibigan

Maging Matalino sa Pagpili ng mga Kaibigan

Isang babalang halimbawa sa mga Kristiyano ang nangyari sa mga Israelita sa kapatagan ng Moab. (1Co 10:6, 8, 11) Ang mga Israelitang nakisama sa mga babaeng Moabita na imoral at sumasamba sa idolo ay natuksong gumawa ng malulubhang kasalanan. Dahil dito, napahamak sila. (Bil 25:9) Nakakasalamuha natin ang ating mga katrabaho, kaeskuwela, kapitbahay, kamag-anak, at iba pang kakilala na hindi naglilingkod kay Jehova. Ano ang matututuhan natin sa ulat ng Bibliya tungkol sa panganib ng pagiging malapít sa kanila?

PANOORIN ANG VIDEO NA MGA BABALANG HALIMBAWA PARA SA ATIN—VIDEO CLIP. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong maling kaisipan ang sinabi ni Zimri at ng iba pa kay Jamin?

  • Paano tinulungan ni Pinehas si Jamin na magkaroon ng tamang pananaw?

  • Ano ang pagkakaiba ng pagiging palakaibigan sa isang hindi kapananampalataya at ng pagiging kaibigan niya?

  • Bakit dapat tayong maging maingat sa pagpili ng malalapít na kaibigan kahit sa loob ng kongregasyon?

  • Bakit dapat nating iwasan ang mga chat group sa social media na binubuo ng mga taong hindi natin kilala nang personal?