KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
“Ako ang . . . Iyong Mana”
Binigyan ni Jehova ang mga saserdote at mga Levita ng napakahalagang pribilehiyo ng paglilingkod (Bil 18:6, 7)
Walang tinanggap na lupain ang tribo ni Levi pero si Jehova ang naging mana nila (Bil 18:20, 24; w11 9/15 13 ¶9)
Nagbigay ang bayan ng 10 porsiyento ng kanilang ani para masuportahan ang mga Levita at mga saserdote (Bil 18:21, 26, 27; w11 9/15 7 ¶4)
Ipinangako ni Jehova na ilalaan niya ang pangunahing mga pangangailangan sa materyal ng mga saserdote at mga Levita. Makakapagtiwala tayong susuportahan tayo ni Jehova kung magsasakripisyo tayo para paglingkuran siya.