Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sina Pedro at Juan na inihahanda ang silid sa itaas para sa Paskuwa noong 33 C.E.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Naghahanda Ka Ba Para sa Memoryal?

Naghahanda Ka Ba Para sa Memoryal?

Napakahalaga ng huling Paskuwa ni Jesus. Dahil nalalapit na ang kamatayan niya, pinlano niyang kainin ang hapunan ng Paskuwa kasama ang kaniyang mga apostol at pasimulan ang bagong taunang pag-alaala—ang Hapunan ng Panginoon. Kaya inutusan niya sina Pedro at Juan na ihanda ang silid. (Luc 22:7-13; tingnan ang larawan sa pabalat.) Ipinapaalala nito na dapat tayong maghanda para sa Memoryal sa Marso 27. Kaya malamang na gumawa na ng kaayusan ang mga kongregasyon para sa tagapagsalita, mga emblema, at iba pa. Pero paano makakapaghanda ang bawat isa sa atin para sa Memoryal?

Ihanda ang iyong puso. Basahin at pag-isipan ang nakaiskedyul na pagbasa sa Bibliya sa Memoryal na nasa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw. Sa apendise B12 ng nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan, makikita ang mas detalyadong iskedyul. (Tingnan din ang Abril 2020 ng Workbook sa Buhay at Ministeryo.) Kapag tatalakayin sa inyong pampamilyang pagsamba ang kahalagahan ng pantubos, puwede kayong makahanap ng impormasyon sa Watch Tower Publications Index o sa Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova.

Mag-imbita. Lubusang suportahan ang kampanya ng pag-iimbita. Isipin ang mga puwede mong imbitahan, gaya ng mga interesadong binabalikan mo, dating Bible study, kakilala, at kamag-anak. Dapat tiyakin ng mga elder na maimbitahan ang mga inactive. Kapag hindi sila nakatira sa lugar ninyo, makikita mo ang lokasyon at oras ng Memoryal sa lugar nila kung iki-click mo ang tab na TUNGKOL SA AMIN na nasa itaas ng home page ng jw.org/tl at saka piliin ang “Memoryal.”

Ano pa ang puwede nating gawin bilang paghahanda?