PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
May Katapusan ang Lahat ng Problema
Baka panghinaan tayo ng loob kapag may mga problema tayo, lalo na kung nagtatagal ang mga ito. Alam ni David na matatapos din ang problema niya kay Haring Saul, at magiging hari na siya gaya ng ipinangako ni Jehova. (1Sa 16:13) Nakatulong kay David ang pananampalataya para makapagtiis siya at maghintay kay Jehova.
Kapag may problema, magagamit natin ang ating talino, kaalaman, o kakayahang mag-isip para mabago ang sitwasyon natin. (1Sa 21:12-14; Kaw 1:4) Pero kung minsan, kahit sinunod na natin ang mga prinsipyo sa Bibliya, baka nandiyan pa rin ang problema. Kung ganoon, dapat tayong maging matiisin at maghintay kay Jehova. Malapit na niyang alisin ang lahat ng pagdurusa natin at ‘pahirin ang bawat luha’ sa mga mata natin. (Apo 21:4) Nakayanan man natin ang problema natin dahil sa tulong ni Jehova o iba pang dahilan, isang bagay ang tiyak: May katapusan ang lahat ng problema. Mapapalakas tayo kung lagi nating iisipin iyan.
PANOORIN ANG VIDEO NA NAGKAKAISANG BAYAN SA DI-NAGKAKAISANG MUNDO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Anong problema ang napaharap sa ilang Kristiyano sa southern United States?
-
Paano sila nagpakita ng pagtitiis at pag-ibig?
-
Paano sila nanatiling nakapokus sa “mas mahahalagang bagay”?—Fil 1:10