Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Sino ang mga Kaibigan Mo Online?

Sino ang mga Kaibigan Mo Online?

Sinasabing ang kaibigan ay “isa na malapít sa isa pang tao dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga.” Halimbawa, naging matalik na magkaibigan sina Jonatan at David matapos patayin ni David si Goliat. (1Sa 18:1) Nagustuhan nila ang mga katangian ng isa’t isa. Kaya mahalaga na talagang kilala mo ang isang tao para maging matibay ang pagkakaibigan ninyo. Kailangan ng panahon at pagsisikap para magawa iyan. Pero hindi ganiyan sa social media, kasi sa isang click lang, puwede ka nang magkaroon ng “friend.” Puwedeng planuhin ng mga tao ang sasabihin nila o ipakita lang kung ano ang gusto nilang malaman ng iba tungkol sa kanila, kaya maitatago nila kung sino talaga sila. Kaya piliin mong mabuti kung sino ang magiging kaibigan mo online. Huwag kang matakot na i-reject ang mga friend request ng mga hindi mo naman talaga kilala dahil lang sa baka masaktan mo ang damdamin nila. Hindi gumagamit ang ilan ng social media para maiwasan nila ang panganib. Pero kung may social media account ka, ano ang dapat mong tandaan?

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGING MATALINO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORK. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Ano ang dapat mong isipin bago ka mag-comment at mag-post ng mga picture?

  • Bakit dapat kang mag-ingat sa pagpili ng mga kaibigan online?

  • Bakit dapat mong limitahan ang oras ng paggamit mo sa social media?​—Efe 5:15, 16