PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Kung Paano Gagamitin ang mga Bible Study Video
May apat tayong Bible study video na magagamit sa ministeryo. Kailan ba natin puwedeng gamitin ang mga ito?
-
Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya? Puwedeng gamitin ito para matulungan ang mga tao na maging interesado sa Bibliya anuman ang relihiyon nila. Mapapanood nila dito na nasa Bibliya ang sagot sa mahahalagang tanong sa buhay, at may binabanggit dito na isang halimbawa. Ipinapaliwanag din sa video kung paano magre-request ng Bible study.
-
Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?—Maikling Bersiyon Mahigit isang minuto lang ang haba nito, kaya baka mas magandang gamitin ito sa mga teritoryong busy ang mga tao.
-
Paano Ginagawa ang Pag-aaral sa Bibliya? Puwedeng gamitin ito para maging interesado ang kausap natin na magpa-Bible study. Sinasagot ng video ang ilang karaniwang tanong ng mga tao tungkol sa Bible study, gaya ng kung paano magre-request nito.
-
Mag-enjoy sa Pag-aaral ng Bibliya Puwede itong ipapanood sa mga Bible study. Makikita ang video na ito sa ikalawang pahina ng aklat na Masayang Buhay Magpakailanman, pero puwede na itong gamitin kahit brosyur pa lang ang pinag-aaralan. Makikita nila sa video ang nilalaman ng aklat at kung ano ang aasahan nila sa bawat pag-aaral.
May partikular na sitwasyon na magandang gamitin ang bawat video, pero puwede ring ipapanood o ipadala ang alinman sa mga ito sa iba pang pagkakataon. Pinapasigla tayong maging pamilyar sa mga video na ito para magamit nating mabuti ang mga ito sa ministeryo.