KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
Ang Payo ng Isang Mapagmahal na Ama sa Kaniyang Anak
Kilalanin mo si Jehova (1Cr 28:9; w05 2/15 19 ¶9)
Maglingkod ka kay Jehova nang buong puso (1Cr 28:9; w12 4/15 16 ¶13)
Magtiwala ka kay Jehova, at huwag matakot (1Cr 28:20; w17.09 32 ¶20-21)
Noong matanda na si Haring David, iyan ang ipinayo niya sa anak niyang si Solomon, na bata pa noon at walang karanasan. Mahalaga ang payong ito bago simulan ni Solomon ang pagtatayo ng templo. Bakit kailangan din nating lahat ang payong ito, lalo na ng mga kabataang Kristiyano?