KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
Ang Maling Desisyon ni Haring Solomon
[I-play ang video na Introduksiyon sa 2 Cronica.]
Nagparami si Solomon ng mga kabayo at karwahe mula sa Ehipto (Deu 17:15, 16; 2Cr 1:14, 17)
Kinailangan ang mas maraming tagapaglingkod at lunsod para sa mga bagong dibisyon ng militar ni Solomon (2Cr 1:14; it-1 1020 ¶3; 1455)
Naging maganda ang buhay ng mga tao sa simula ng pamamahala ni Solomon, pero nang bandang huli, binigyan niya sila ng mabigat na pasan. Nang maghari si Rehoboam, nagrebelde ang bayan kasi mas pinahirapan niya sila. (2Cr 10:3, 4, 14, 16) Laging may epekto ang mga desisyon natin, mabuti man o masama.—Gal 6:7.