Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

“Ingatan Mo ang Iyong Puso”

“Ingatan Mo ang Iyong Puso”

Ipinasulat ni Jehova kay Solomon: “Sa lahat ng dapat mong ingatan, ingatan mo ang iyong puso.” (Kaw 4:23) Kaya lang, huminto ang bayan ng Diyos, ang Israel, sa paglakad sa harap ni Jehova “nang buong puso nila.” (2Cr 6:14) Kahit si Haring Solomon, hindi niya naingatan ang puso niya, kaya napasunod siya ng mga paganong asawa niya sa ibang mga diyos. (1Ha 11:4) Paano mo maiingatan ang iyong puso? Tinalakay iyan sa isang araling artikulo sa Bantayan, Enero 2019, pahina 14-19.

PANOORIN ANG VIDEO NA MGA ARAL MULA SA BANTAYAN—INGATAN MO ANG IYONG PUSO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

Anong masasamang impluwensiya ang napaharap sa mga kapatid sa video, at paano nakatulong ang araling artikulong ito para maingatan nila ang kanilang puso?

  • Brent at Lauren

  • Umjay

  • Happy Layou

Paano nakatulong sa iyo ang araling artikulong ito?