PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Kung Paano Makakatulong Pagkatapos ng Sakuna
Padalas nang padalas ngayon ang mga likas na sakuna. Kapag nagkaroon ng sakuna, dapat na organisado ang relief work. Iyan ang dahilan kung bakit isinaayos ng Lupong Tagapamahala na magkaroon ng Disaster Relief Department ang bawat tanggapang pansangay.
Kapag nalaman ng mga kapatid sa department na iyan na nagkaroon ng sakuna sa isang lugar, kinokontak agad nila ang mga elder doon para malaman kung ano ang kailangan ng mga kapatid. Kapag napakalaki ng pinsala at hindi kaya ng mga kapatid doon na sila lang ang magsagawa ng relief work, ang sangay ay mag-aatas ng mga brother na mangunguna dito. Ang mga brother na ito ay puwedeng magpatawag ng mga boluntaryo. At baka hilingan din nila ang mga kapatid na mag-donate ng espesipikong mga bagay. O puwede rin silang bumili ng mga kinakailangang suplay at saka ipamahagi sa mga nasalanta.
Kung gagawin ito, maiiwasan ang kalituhan, hindi madodoble ang trabaho, at hindi rin maaaksaya ang pondo at mga materyales. Puwede kasing mangyari iyan kung magkakani-kaniya ang mga kapatid.
Ang mga naatasang brother ang magpapasiya kung magkano ang gagastusin at kung ilang boluntaryo ang kakailanganin sa relief work. Puwede rin silang makipag-usap sa mga opisyal na tagaroon para mas mapabilis ang relief work. Kaya hindi dapat personal na mangolekta ng pera, magpadala ng relief goods, o magpunta sa lugar ng sakuna ang isa maliban na lang kung inatasan siyang gawin iyon.
Pero siyempre, kapag nagkaroon ng sakuna, gusto nating tumulong. (Heb 13:16) Mahal natin ang mga kapatid! Paano tayo makakatulong? Una sa lahat, ipanalangin natin ang mga biktima ng sakuna at ang mga tumutulong sa kanila. Puwede rin tayong mag-donate sa pambuong-daigdig na gawain. Sa pangangasiwa ng Lupong Tagapamahala, ang mga tanggapang pansangay ang magpapasiya kung paano gagamitin ang pondong ito. At kung gusto nating personal na makatulong, puwede tayong mag-fill out ng Local Design/Construction Volunteer Application (DC-50).
PANOORIN ANG VIDEO NA MAPANGWASAK NA BAHA SA BRAZIL. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:
Ano ang kahanga-hanga sa relief work ng mga Saksi ni Jehova nang magkaroon ng baha sa Brazil noong 2020?