Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Abril 28–Mayo 4

KAWIKAAN 11

Abril 28–Mayo 4

Awit Blg. 90 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Huwag Mong Sabihin Iyan!

(10 min.)

Huwag mong sabihin ang mga bagay na puwedeng makapinsala sa “kapuwa” mo (Kaw 11:9; w02 5/15 26 ¶4)

Huwag mong sabihin ang mga bagay na magiging dahilan ng pagkakabaha-bahagi (Kaw 11:11; w02 5/15 27 ¶2-3)

Huwag mong sabihin ang mga kompidensiyal na bagay (Kaw 11:12, 13; w02 5/15 27 ¶5)

PARA SA PAGBUBULAY-BULAY: Paano makakatulong sa atin ang sinabi ni Jesus sa Lucas 6:45 para maiwasang magsalita ng masasamang bagay?

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Kaw 11:17—Paano makakatulong sa atin ang pagiging mabait? (g20.1 11, kahon)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Kaw 11:1-20 (th aralin 5)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Humanap ng pagkakataong masabi sa kausap mo ang natutuhan mo sa nakaraang pulong. (lmd aralin 2: #4)

5. Pagdalaw-Muli

(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Ipakita at talakayin (pero huwag i-play) ang isang video mula sa Toolbox sa Pagtuturo. (lmd aralin 8: #3)

6. Paggawa ng mga Alagad

(4 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Ialok at ipakita kung paano ginagawa ang pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 10: #3)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 157

7. Huwag Hayaang Masira ng Pananalita Mo ang Kapayapaan

(15 min.) Pagtalakay.

Dahil hindi tayo perpekto, nakakapagsalita tayo nang hindi maganda. (San 3:8) Pero kung pag-iisipan natin ang magiging resulta ng mga sinasabi natin, tutulong ito para hindi tayo makapagsalita ng mga bagay na pagsisisihan natin. Ito ang ilang pananalita na puwedeng makasira ng kapayapaan ng kongregasyon:

  • Pagyayabang. Pagpuri ito sa sarili, at puwede itong mauwi sa inggit at kompetisyon.—Kaw 27:2

  • Di-pagsasabi ng totoo. Hindi lang ito basta pagsisinungaling; may intensiyon itong mandaya. Ang pagsasabi ng di-totoo, kahit kaunting kasinungalingan lang, ay puwedeng makasira ng tiwala ng iba at ng reputasyon mo.—Ec 10:1

  • Tsismis. Isa itong walang-saysay na usapan tungkol sa buhay ng iba na hindi naman totoo o tungkol sa pribadong buhay ng isa. (1Ti 5:13) Puwede itong maging dahilan ng awayan at kampihan

  • Galít na pananalita. Di-makontrol na pananalita para mailabas ang nararamdamang galit ng isa. (Efe 4:26) Nakakapinsala ito sa iyo at sa iba.—Kaw 29:22

I-play ang VIDEO na Alisin ang mga Sumisira ng Kapayapaan—Video Clip. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Paano ipinakita sa video kung gaano kadaling masira ng pananalita natin ang kapayapaan sa kongregasyon?

Para makita kung paano naibalik ang kapayapaan, panoorin ang ‘Hanapin ang Kapayapaan at Itaguyod Ito.’

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) bt kab. 25 ¶14-21

Pangwakas na Komento (3 min.) | Bagong Awit Para sa 2025 Kombensiyon at Panalangin