Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Marso 17-23

KAWIKAAN 5

Marso 17-23

Awit Blg. 122 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Lumayo sa Seksuwal na Imoralidad

(10 min.)

Nakakatukso ang seksuwal na imoralidad (Kaw 5:3; w00 7/15 29 ¶1)

Mapait ang resulta ng seksuwal na imoralidad (Kaw 5:4, 5; w00 7/15 29 ¶2)

Lumayo sa seksuwal na imoralidad (Kaw 5:8; w00 7/15 29 ¶5)

Tumatanggi ang sister na ibigay ang number niya sa isang lalaki

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Kaw 5:9—Paano naiwawala ng seksuwal na imoralidad ang “dangal” mo? (w00 7/15 29 ¶7)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Kaw 5:1-23 (th aralin 5)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Imbitahan sa Memoryal ang kausap mo na hindi Kristiyano, at hanapin sa jw.org ang lokasyon ng Memoryal na malapit sa kaniya. (lmd aralin 6: #4)

5. Pagdalaw-Muli

(4 min.) BAHAY-BAHAY. Sa nakaraan ninyong pag-uusap, nagpakita ng interes ang kausap mo at tumanggap ng imbitasyon para sa Memoryal. (lmd aralin 9: #5)

6. Paggawa ng mga Alagad

(5 min.) lff aralin 16: Sumaryo, Ano ang Natutuhan Mo?, at Subukan Ito. Kapag itinanong ng Bible study kung may asawa si Jesus, turuan siya kung paano magre-research para malaman ang sagot. (lmd aralin 11: #4)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 121

7. Pananatiling Malinis sa Panahon ng Pakikipagligawan at Pakikipagkasintahan

(15 min.) Pagtalakay.

Ang pagde-date ay “paglalaan ng panahon at pagpapakita ng romantikong interes ng isang lalaki at babae sa isa’t isa.” Para sa marami, puwede nila itong gawin kasama ng isang grupo o nang dalawa lang sila; puwede ring may nakakakita sa kanila o wala; puwede rin itong pakikipag-usap sa cellphone o pakikipag-text. Pero hindi natin ginagawa iyan para lang mag-enjoy. Seryosong hakbang ito sa pag-aasawa. Paano makakaiwas ang isa sa seksuwal na imoralidad, anuman ang edad niya, sa panahon ng pakikipagligawan at pakikipagkasintahan?—Kaw 22:3.

I-play ang VIDEO na Paghahanda sa Pag-aasawa—Bahagi 1: Handa Na Ba Akong Makipag-date?—Video Clip. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Bakit hindi dapat makipagligawan ang isa kung hindi pa siya handang mag-asawa? (Kaw 13:12; Luc 14:28-30)

  • Ano ang nagustuhan mo sa ginawang pagtulong ng mga magulang sa anak nila?

Basahin ang Kawikaan 28:26. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Ano ang puwedeng gawin ng mga nagliligawan o magkasintahan para maiwasan ang mga sitwasyon na puwede silang matuksong gumawa ng seksuwal na imoralidad?

  • Bakit katalinuhang pag-usapan agad nila ang limitasyon nila sa pagpapakita ng pagmamahal, gaya ng paghahawakan ng kamay at paghahalikan?

Basahin ang Efeso 5:3, 4. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Ano ang dapat tandaan ng mga nagde-date kapag nag-uusap sila online o sa cellphone?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) bt kab. 24 ¶1-6

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 3 at Panalangin