Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Marso 3-9

KAWIKAAN 3

Marso 3-9

Awit Blg. 8 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Ipakitang Nagtitiwala Ka kay Jehova

(10 min.)

Magtiwala kay Jehova, hindi sa sarili mo (Kaw 3:5; ijwbv artikulo 14 ¶4-5)

Maipapakita mong nagtitiwala ka kay Jehova kung aalamin mo at susundin ang mga tagubilin niya (Kaw 3:6; ijwbv artikulo 14 ¶6-7)

Iwasan ang sobrang tiwala sa sarili (Kaw 3:7; be 76 ¶5)

TANUNGIN ANG SARILI, ‘Nagpapagabay ba ako kay Jehova sa lahat ng ginagawa ko?’

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Kaw 3:3—Paano natin maitatali sa leeg at maisusulat sa puso natin ang tapat na pag-ibig at katapatan? (w06 9/15 17 ¶7)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) BAHAY-BAHAY. Sagutin ang isang karaniwang pagtutol. (lmd aralin 1: #5)

5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(4 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Sabihin sa kausap ang tungkol sa jw.org, at mag-iwan ng contact card. (lmd aralin 3: #3)

6. Pahayag

(5 min.) w11 3/15 14 7-10—Tema: Ipakitang Nagtitiwala Tayo sa Diyos Kapag Hindi Interesado sa Bibliya ang Kausap Natin. (th aralin 20)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 124

7. Ipakitang Nagtitiwala Ka sa Organisasyon ni Jehova

(15 min.) Pagtalakay.

Madaling sundin ang mga tagubilin kung galing ito sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Pero kapag galing ang tagubilin sa mga di-perpektong tao na nangunguna sa organisasyon ni Jehova, baka mas mahirapan tayong sundin ito, lalo na kung hindi natin ito naiintindihan o hindi tayo sang-ayon dito.

Basahin ang Malakias 2:7. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Bakit hindi tayo nagtataka na gumagamit si Jehova ng mga di-perpektong tao para manguna sa bayan niya?

Basahin ang Mateo 24:45. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Bakit makakapagtiwala tayo sa mga tagubilin ng organisasyon ni Jehova?

Basahin ang Hebreo 13:17. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Bakit dapat nating sundin ang mga desisyon ng mga pinagkakatiwalaan ni Jehova na manguna sa atin?

I-play ang VIDEO na 2021 Ikasiyam na Update ng Lupong Tagapamahala—Video Clip. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Paano napatibay ng mga tagubiling tinanggap natin noong pandemic ang pagtitiwala mo sa organisasyon ni Jehova?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 57 at Panalangin