Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kung Paano Gagamitin ang JW Library

Kung Paano Gagamitin ang JW Library

SA PAG-AARAL:

  • Basahin ang Bibliya at ang pang-araw-araw na teksto

  • Basahin ang Taunang Aklat, magasin, at iba pang publikasyon. Gamitin ang bookmark

  • Maghanda sa mga pulong, at i-highlight ang mga sagot

  • Manood ng mga video

SA PULONG:

  • Tingnan ang mga tekstong binabanggit ng tagapagsalita. Gamitin ang history feature para mabuksan uli ang teksto

  • Sa halip na magdala sa pulong ng maraming nakaimprentang publikasyon, gamitin ang iyong gadyet para sa pagsubaybay sa iba’t ibang bahagi at pag-awit. Ang JW Library ay may mga bagong kanta na wala pa sa nakaimprentang aklat-awitan

SA MINISTERYO:

  • Ipakita sa interesado ang JW Library, at tulungan siyang i-download ang app at mga publikasyon sa kaniyang gadyet

  • Gamitin ang search feature kung gusto mong mahanap ang isang teksto. Maaari kang mag-type ng salita o parirala para mahanap ang teksto

  • Ipapanood ang video. Kung ang kausap mo ay may anak, maaari mong i-play ang isang video sa seryeng Maging Kaibigan ni Jehova. Para naman pasiglahin ang isa na mag-aral ng Bibliya, maaari mong ipapanood ang video na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya? Kung ang isa ay nagsasalita ng ibang wika, ipapanood sa kaniya ang isang video sa kaniyang wika

  • Ipakita ang teksto sa ibang wika gamit ang salin na nai-download mo na. Magpunta sa teksto, pindutin ang numero ng talata, at pindutin ang parallel rendering icon