PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ginagamit Mo Ba ang JW Library?
Ang JW Library ay isang libreng app (software application) na magagamit mo para mag-download ng Bibliya at iba pang publikasyon, video, at audio program sa iyong cellphone, tablet, o computer.
KUNG PAANO ITO MAKUKUHA: Kumonekta sa Internet, at mag-install ng JW Library mula sa app store. Ang app ay available sa iba’t ibang gadyet. Habang naka-online, buksan ang app at piliin ang gusto mong i-download sa iyong gadyet. Kung hindi ka makapag-online sa bahay, baka puwede mo itong gawin sa Kingdom Hall, sa isang pampublikong aklatan, o sa isang kalapit na coffee shop. Kapag nai-download mo na ang mga publikasyon, hindi mo na kailangang kumonekta sa Internet para magamit ito. Dahil laging may bagong feature na idinaragdag sa JW Library, kailangan mong mag-online paminsan-minsan para i-update ito.
BAKIT MO ITO KAILANGAN? Ang JW Library ay malaking tulong sa personal na pag-aaral at pagsubaybay sa mga pulong ng kongregasyon. Magagamit din ito sa ministeryo, lalo na kapag nagpapatotoo nang di-pormal.