Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | MARCOS 9-10

Isang Pangitaing Nakapagpapatibay ng Pananampalataya

Isang Pangitaing Nakapagpapatibay ng Pananampalataya

9:1-7

Isip-isipin ang nadama ni Jesus nang marinig niya sa pangitain ng pagbabagong-anyo ang pagsang-ayon ng kaniyang makalangit na Ama. Tiyak na napatibay nito si Jesus na harapin ang pagdurusang mararanasan niya. Napatibay rin ng pangitaing ito sina Pedro, Santiago, at Juan. Talagang si Jesus ang Mesiyas, at tama lang na makinig sila sa kaniya. Pagkaraan ng mga 32 taon, naaalaala pa rin ni Pedro ang karanasang iyon at kung paano nito pinatibay ang kaniyang pananampalataya sa “makahulang salita.”—2Pe 1:16-19.

Kahit hindi natin nasaksihan ang kahanga-hangang pangitaing iyon, nakikita naman natin ang katuparan nito. Si Jesus ay namamahala na bilang isang makapangyarihang Hari. Malapit na niyang “lubusin ang kaniyang pananaig,” na magbibigay-daan sa isang matuwid na bagong sanlibutan.—Apo 6:2.

Paano napatitibay ng katuparan ng mga hula sa Bibliya ang pananampalataya mo?