Iwasang Madaig ng Pagkatakot sa Tao
Bakit nadaig ng takot ang mga apostol?
-
Masyado silang tiwala sa sarili. Inisip pa nga ni Pedro na mas matapat siya kay Jesus kaysa sa ibang apostol
-
Hindi sila patuloy na nagbantay at nanalangin
Pagkatapos buhaying muli si Jesus, ano ang nakatulong sa nagsisising mga apostol na iwasang magpadaig sa takot sa tao at mangaral sa kabila ng pagsalansang?
-
Isinapuso nila ang mga babala ni Jesus, at dahil dito, naging handa sila sa pagsalansang at pag-uusig
-
Umasa sila kay Jehova at nanalangin.—Gaw 4:24, 29
Anong mga sitwasyon ang maaaring sumubok sa ating lakas ng loob?