PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Tutulungan Ka ni Jehova na Maging Matapang
Kapag nasa paaralan ka, natatakot ka bang magpakilalang Saksi ni Jehova at magpatotoo? Kung oo, paano ka ‘makapag-iipon ng katapangan’ para makapagpatotoo? (1Te 2:2) Ano ang mga dahilan mo para gawin iyon? Pagkatapos panoorin ang video na Tutulungan Ka ni Jehova na Maging Matapang, sagutin ang sumusunod na mga tanong:
-
Anong halimbawa sa Bibliya ang nakatulong kay Sophia para maging matapang?
-
Paano nakatulong kay Sophia ang mga practice session nila?
-
Bakit dapat kang magpatotoo sa mga kaeskuwela mo?
-
Kung hindi ka na estudyante, anong mga aral ang natutuhan mo sa video?