Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Tulungan ang Inyong mga Anak na Sumunod kay Kristo

Tulungan ang Inyong mga Anak na Sumunod kay Kristo

Wala nang mas makapagpapasaya sa Kristiyanong mga magulang kaysa sa makita ang mga anak nila na ‘itinatatwa ang kanilang sarili at binubuhat ang kanilang pahirapang tulos at sinusundan nang patuluyan’ si Jesus. (Mar 8:34; 3Ju 4) Paano matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na sumunod kay Jesus, mag-alay ng kanilang buhay kay Jehova, at magpabautismo? Ano ang ilang palatandaan na handa na ang mga anak para magpabautismo?

Basahin ang “Mensahe Para sa mga Kristiyanong Magulang” sa pahina 165-166 ng Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, at pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Ano ang isang alagad?

  2. Ano ang dapat ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak?

  3. Kaayon ng kanilang edad, paano dapat ikapit ng mga anak ang sumusunod na mga teksto para maging kuwalipikado sa bautismo?