Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mahalin ang Kapamilya

Mahalin ang Kapamilya

Dahil sa pag-ibig, nagiging malapít sa isa’t isa ang magkakapamilya. Kung walang pag-ibig, mahihirapan ang pamilya na magkaisa at magtulungan. Paano maipapakita ng asawang lalaki, asawang babae, at mga magulang ang pag-ibig sa pamilya?

Isasaisip ng mapagmahal na asawang lalaki ang pangangailangan, pananaw, at damdamin ng misis niya. (Efe 5:28, 29) Ilalaan niya ang materyal at espirituwal na pangangailangan ng pamilya niya, kasama na ang regular na family worship. (1Ti 5:8) Ang mapagmahal na asawang babae ay magpapasakop at magpapakita ng “matinding paggalang” sa mister niya. (Efe 5:22, 33; 1Pe 3:1-6) Lubusan nilang papatawarin ang isa’t isa. (Efe 4:32) Ang mapagmahal na mga magulang ay magpapakita ng malasakit sa bawat anak nila at tuturuang ibigin si Jehova. (Deu 6:6, 7; Efe 6:4) Anong mga hamon sa school ang napapaharap sa mga anak nila? Paano nakakayanan ng mga ito ang panggigipit? Kapag punong-puno ng pagmamahal ang pamilya, mararamdaman ng mga miyembro nito na ligtas sila at panatag.

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGPAKITA NG DI-NABIBIGONG PAG-IBIG SA PAMILYA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano pinaglalaanan at pinapahalagahan ng mapagmahal na asawang lalaki ang misis niya?

  • Paano ipinapakita ng mapagmahal na asawang babae ang matinding paggalang sa mister niya?

  • Paano itinatanim ng mapagmahal na mga magulang ang Salita ng Diyos sa puso ng mga anak nila?