Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO

Magturo Nang May Sigla

Magturo Nang May Sigla

Ang sigla ay nakakahawa. Nakukuha nito ang atensiyon ng mga tao. Ipinapakita rin nito na mahalaga sa atin ang mensahe natin. Anuman ang pinagmulan natin o personalidad, puwede tayong magpakita ng sigla. (Ro 12:11) Paano?

Una, isipin kung gaano kahalaga ang dala mong mensahe. May pribilehiyo kang ‘ihayag ang mabuting balita ng mabubuting bagay!’ (Ro 10:15) Ikalawa, isipin ang magandang epekto ng mabuting balita sa mga tao. Kailangang-kailangan nilang marinig ang sasabihin mo. (Ro 10:13, 14) Panghuli, maging masigla—sikaping maging natural ang pagkumpas at ekspresyon ng mukha.

PANOORIN ANG VIDEO NA MASIYAHAN SA PAGGAWA NG ALAGAD—PASULUNGIN ANG IYONG KAKAYAHAN—MAGTURO NANG MAY SIGLA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit nawalan ng sigla si Neeta sa pagba-Bible study kay Joy?

  • Ano ang nakatulong kay Neeta para bumalik ang sigla niya?

  • Ang sigla ay nakakahawa

    Bakit dapat tayong magpokus sa magagandang katangian ng ating tagapakinig?

  • Ano ang puwedeng maging epekto sa Bible study natin at sa iba kapag masigla tayo?