Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO

Ilarawan ang Mahahalagang Punto

Ilarawan ang Mahahalagang Punto

Kapag dumadalaw-muli o nagba-Bible study, kailangan nating tulungan ang ating mga tagapakinig na maintindihan ang mahahalagang punto. Kung ilalarawan natin ang mga puntong ito, maaabot natin ang puso nila at mas matatandaan nila ang mga itinuturo natin.

Kapag naghahanda sa pagdalaw-muli o pagba-Bible study, pumili ng mahahalagang punto, hindi ng maliliit na detalye, na gusto mong ilarawan. Pagkatapos, pumili ng simpleng mga ilustrasyon na ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. (Mat 5:14-16; Mar 2:21; Luc 14:7-11) Isaalang-alang ang pinagmulan at pinagkakaabalahan ng tagapakinig mo. (Luc 5:2-11; Ju 4:7-15) Kapag nakita mong natuwa siya dahil naiintindihan niya ang isang punto, matutuwa ka rin.

PANOORIN ANG VIDEO NA MASIYAHAN SA PAGGAWA NG ALAGAD—PASULUNGIN ANG IYONG KAKAYAHAN—ILARAWAN ANG MAHAHALAGANG PUNTO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit posibleng kailangan ng mga Bible study ng tulong para maintindihan ang mga teksto sa Bibliya?

  • Paano inilarawan ni Neeta ang katotohanang nasa Roma 5:12?

  • Naaabot ng magagandang ilustrasyon ang puso

    Ano ang puwedeng maging epekto ng magagandang ilustrasyon sa ating mga tagapakinig?

  • Sa ministeryo, bakit dapat nating gamitin ang mga video at iba pang pantulong sa pagtuturo na inilaan ng organisasyon ni Jehova?