Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Manatiling Handa sa Dulo ng “mga Huling Araw”

Manatiling Handa sa Dulo ng “mga Huling Araw”

Habang nagtitiis tayo sa dulo ng “mga huling araw,” inaasahan natin na lalo pang titindi ang mga problema. (2Ti 3:1; “matinding paghihirap” study note sa Mat 24:8, nwtsty) Kapag may sakuna, karaniwan nang nakakatanggap ang bayan ni Jehova ng napapanahon at nagliligtas na tagubilin. Makakaligtas tayo kung magiging masunurin tayo ngayon at maghahanda sa espirituwal at pisikal na paraan.​—Luc 16:10.

  • Maghanda sa espirituwal: Gumawa ng iskedyul at sundin ito. Subukan ang iba’t ibang paraan ng pangangaral. Huwag mag-panic kung pansamantala kang mapahiwalay sa mga kapatid. (Isa 30:15) Walang makakapaghiwalay sa iyo kay Jehova at kay Jesus.​—od 176 ¶15-17

  • Maghanda sa pisikal: Bukod sa go bag, ang bawat pamilya ay dapat magtabi ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang pangangailangan sakaling kailangan nilang manatili nang matagal-tagal sa isang lugar.​—Kaw 22:3; g17.5 4, 6

PANOORIN ANG VIDEO NA HANDA KA BA SA LIKAS NA SAKUNA? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bago magkaroon ng sakuna, paano tayo makakapaghanda sa espirituwal na paraan?

  • Bakit dapat . . .

    • laging makipag-ugnayan sa mga elder?

    • maghanda ng emergency kit?

    • repasuhin ang iba’t ibang sakuna na puwedeng mangyari at kung ano ang gagawin sa bawat sitwasyon?

  • Ano ang tatlong puwede nating gawin para makatulong sa mga naging biktima ng sakuna?

TANUNGIN ANG SARILI, ‘Ano ang natutuhan ko sa COVID-19 pandemic tungkol sa pagiging handa?’