Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kontrolin ang Maling Pagnanasa

Kontrolin ang Maling Pagnanasa

Dahil hindi tayo perpekto, kailangan nating magsumikap na kontrolin ang maling mga pagnanasa. Kung magpapadala tayo sa mga ito, masisira ang kaugnayan natin kay Jehova. Halimbawa, mas pinapahalagahan ng ilan ang pagkain, pananamit, at tirahan kaysa sa pagsamba sa Diyos. Sinusunod naman ng iba ang seksuwal na pagnanasa nila kahit na salungat ito sa mga pamantayan ng Diyos. (Ro 1:26, 27) May mga nagpapadala naman sa pressure ng mga kasama dahil gusto nilang maging katanggap-tanggap sila.​—Exo 23:2.

Paano natin matitiyak na hindi tayo alipin ng maling mga pagnanasa? Dapat nating gawin ang buong makakaya natin para mapasaya si Jehova. (Mat 4:4) Dapat din tayong humingi ng tulong kay Jehova na makontrol ang maling pagnanasa. Bakit? Dahil alam niya ang pinakamabuti para sa atin at kung paano masasapatan ang inaasam-asam natin.​—Aw 145:16.

PANOORIN ANG VIDEO NA HUWAG MONG SIRAIN ANG BUHAY MO SA PANINIGARILYO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit naninigarilyo ang ilan?

  • Ano ang epekto ng paninigarilyo?

  • Bakit mali ang paninigarilyo at paggamit ng vape?​—2Co 7:1

  • Malalabanan mo ang tuksong manigarilyo!

    Paano mo tatanggihan ang paninigarilyo o ititigil ang bisyong ito?