Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Patibayin ang Pananampalataya kay Jehova at kay Jesus Gamit ang Masayang Buhay Magpakailanman

Patibayin ang Pananampalataya kay Jehova at kay Jesus Gamit ang Masayang Buhay Magpakailanman

Para mapasaya ang Diyos, kailangang magkaroon ng matibay na pananampalataya ang mga Bible study. (Heb 11:6) Maaabot natin ang puso nila gamit ang aklat na Masayang Buhay Magpakailanman. Naglalaman ito ng mga pangunahing teksto, paliwanag na madaling maintindihan, epektibong mga tanong, mga video na nakakaantig ng puso, at magagandang larawan. Kapag tinutulungan natin ang mga Bible study na magkaroon ng kaugnayan sa Diyos at mga katangiang Kristiyano, para tayong nagtatayo gamit ang mga  materyales na hindi nasusunog ng apoy.​—1Co 3:12-15.

Iniisip ng ilan na mahirap maging kaibigan ang Diyos dahil hindi siya nakikita. Kaya kailangan natin silang tulungang makilala si Jehova at magtiwala sa kaniya.

PANOORIN ANG VIDEO NA PATIBAYIN ANG PANANAMPALATAYA KAY JEHOVA GAMIT ANG “MASAYANG BUHAY MAGPAKAILANMAN.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit masasabing naghandang mabuti ang sister sa kanilang pag-aaral?

  • Paano siya mahusay na gumamit ng karagdagang mga tanong para malaman ang nararamdaman ng Bible study niya tungkol sa Isaias 41:10, 13?

  • Ano ang naging epekto ng video at ng teksto sa Bible study?

Hindi nauunawaan ng marami ang pantubos, at hindi nila ito itinuturing na regalo ng Diyos. (Gal 2:20) Kaya kailangan natin silang tulungang manampalataya sa haing pantubos ni Jesus.

PANOORIN ANG VIDEO NA PATIBAYIN ANG PANANAMPALATAYA KAY JESUS GAMIT ANG “MASAYANG BUHAY MAGPAKAILANMAN.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit masasabing naghandang mabuti ang brother sa kanilang pag-aaral?

  • Paano niya mahusay na ginamit ang isang reperensiya sa “Tingnan Din” para tulungan ang Bible study niya?

  • Bakit mahalagang manalangin para sa Bible study natin?