PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
“Ang Pag-ibig ay . . . Hindi Nagmamalaki”
Kung may pag-ibig tayo, magiging mapagpakumbaba tayo. (1Co 13:4) Kung mahal natin ang iba, ituturing natin sila na nakatataas sa atin. Tinitingnan natin ang magagandang katangian nila at tinutulungan natin sila. (Fil 2:3, 4) Mas gagamitin tayo ni Jehova kung magpapakita tayo ng pag-ibig.
PANOORIN ANG VIDEO NA TANDAAN KUNG PAANO GUMAGAWI ANG PAG-IBIG—HINDI NAGMAMALAKI. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Anong mga bentaha ang taglay ni Absalom?
-
Paano niya ginamit ang mga iyon sa maling paraan?
-
Paano natin maiiwasang magmalaki?—Gal 5:26