PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
‘Ang Pag-ibig ay Hindi Natutuwa sa Kasamaan’
Sinisikap ng tunay na mga Kristiyano na magpakita ng pag-ibig anuman ang ginagawa nila. Ang pag-ibig ay “hindi . . . natutuwa sa kasamaan.” (1Co 13:4, 6) Kaya iniiwasan natin ang masasamang libangan, gaya ng libangan na nagtatampok ng imoralidad at karahasan. Hindi rin tayo natutuwa kapag may nangyaring masama sa iba, kahit pa nga sa mga nakasakit sa atin.—Kaw 17:5.
PANOORIN ANG VIDEO NA TANDAAN KUNG PAANO GUMAGAWI ANG PAG-IBIG—HINDI NATUTUWA SA KASAMAAN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Ano ang reaksiyon ni David nang malaman niyang patay na sina Saul at Jonatan?
-
Anong awit ng pagdadalamhati ang kinatha ni David para kina Saul at Jonatan?
-
Bakit hindi natuwa si David nang mamatay si Saul?