Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

‘Inaasahan ng Pag-ibig ang Lahat ng Bagay’

‘Inaasahan ng Pag-ibig ang Lahat ng Bagay’

Dahil sa di-makasariling pag-ibig, gusto natin ang pinakamabuti para sa mga kapatid. (1Co 13:4, 7) Halimbawa, kung nagkasala at dinisiplina ang isang kapatid, umaasa tayo na papahalagahan niya ang pagsisikap na ituwid siya. Matiisin din tayo sa mga kapatid na mahina ang pananampalataya, at sinisikap nating tulungan sila. (Ro 15:1) Kapag iniwan ng isa ang kongregasyon, hindi tayo sumusuko at patuloy tayong umaasang manunumbalik din siya.​—Luc 15:17, 18.

PANOORIN ANG VIDEO NA TANDAAN KUNG PAANO GUMAGAWI ANG PAG-IBIG—INAASAHAN ANG LAHAT NG BAGAY. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit lumipat ng panig si Abner?

  • Paano tumugon si David at si Joab sa kahilingan ni Abner?

  • Bakit gusto natin ang pinakamabuti para sa mga kapatid natin?