PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Handa Ka Ba Kung May Gulo sa Lipunan?
Habang papalapit ang wakas ng sistemang ito, inaasahan natin na titindi ang kaguluhan, terorismo, at digmaan. (Apo 6:4) Ano ang puwede nating gawin para maging handa sa darating na mga pagsubok?
-
Maging handa sa espirituwal: Alamin ang mga prinsipyo at ulat sa Bibliya na magpapatibay ng tiwala mo kay Jehova at sa kaniyang organisasyon. Tutulong din ito sa iyo na manatiling neutral. (Kaw 12:5; jr 125-126 ¶23-24) Ngayon na ang panahon para maging malapít sa mga kapatid.—1Pe 4:7, 8
-
Maging handa sa pisikal: Tiyaking ligtas ang inyong tahanan at may sapat na suplay. Gumawa rin ng evacuation plan. I-check ang laman ng go bag mo, at maglagay ng personal protective equipment at pera. Alamin kung paano makokontak ang mga elder, at tiyakin na makokontak ka rin nila.—Isa 32:2; g17.5 3-7
Kapag may gulo sa lipunan, huwag pabayaan ang espirituwal na rutin mo. (Fil 1:10) Manatili sa isang lugar maliban na lang kung kailangang mag-evacuate. (Mat 10:16) Kung may pagkain ka at iba pang suplay, magbahagi sa iba.—Ro 12:13.
PANOORIN ANG VIDEO NA HANDA KA BA SA SAKUNA? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Paano tayo tinutulungan ni Jehova kapag may sakuna?
-
Ano ang mga puwede nating gawin para maging handa?
-
Paano natin matutulungan ang mga biktima ng sakuna?