KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
Ang Tipan ni Jehova kay David
Nangako si Jehova na gagawin niyang hari ang mga inapo ni David (2Sa 7:11, 12, tlb.; w10 4/1 20 ¶3; tingnan ang larawan sa pabalat)
Ang mga bahagi ng tipan ni Jehova kay David ay natupad sa Mesiyas (2Sa 7:13, 14; Heb 1:5; w10 4/1 20 ¶4)
Ang mga pagpapalang ibibigay ng Mesiyas ay mananatili magpakailanman (2Sa 7:15, 16; Heb 1:8; w14 10/15 10 ¶14)
Ipinapaalala sa atin ng araw at ng buwan na ang pamamahala ng Mesiyas ay mananatili magpakailanman. (Aw 89:35-37) Tuwing nakikita mo ang mga ito, isipin ang mga pagpapalang ipinangako ni Jehova sa iyo at sa pamilya mo sa pamamagitan ng Kaharian niya.